Page 35 - Ang Mahiwagang Boon ni Bulaw
P. 35
May-Akda
Cristine Joy B. Dela Cruz
Isang guro sa Banga Central Elementary School, Sangay ng
South Cotabato, Rehiyon Dose. Minsan ay nakapagturo siya
sa isang liblib na paaralan kung saan karamihan sa mga
mag-aaral doon ay mga katutubo. Naging malapit ang
kanyang kalooban sa mga ito kaya kinahiligan niyang
magsulat ng mga kuwentong tungkol sa mga katutubong
naninirahan sa probinsya. Adbokasiya niya na isulong ang
"inclusive education" sa pamamagitan ng pagsusulat ng
localized na mga kagamitan sa pagtuturo upang mabigyan
ang mga katutubo ng pagkakataong matuto at maipagmalaki
ang kanilang mayamang kultura.
Dibuhista
Jim Ryan S. Dela Cruz
Siya ay kabiyak ng May-Akda ng kuwentong ito. Siya rin
ay kasalukuyang nagtuturo sa Banga Central Elementary
School, Sangay ng South Cotabato, Rehiyon Dose. Kinilala
siya ng Kagawaran ng Edukasyon bilang "National
Illustrator" taong 2019. Marami na siyang naiguhit na mga
nailimbag na kuwento na ginagamit ng mga mag-aaral sa
rehiyon. Dahil sa hilig nito sa digital arts, naging animator
at video editor na rin siya nga mga kuwentong kanyang
naiguhit. Siya ay nagkamit na ng iba't ibang parangal sa
larangan ng pagguguhit at graphic designing. Ginawaran
din siya ng parangal bilang "Outstanding Elementary
Teacher 2022" ng SOCCSKSARGEN Region.