Page 6 - Demo
P. 6
Naririnig ko ang malalakas na tawanan ng aking Inay at Itay. Mukhang ang saya-saya nila. Nagmamadali akong bumaba sa aming hagdan.Braag! Tunog ng nahulog sa hagdan. Ang lahat ay napatigil sa pagtawa at lumingon sa kinaroroonan ko. Sandaling katahimikan ang bumalot sa aming tahanan.2%u201cHala nahuloglogloglog!%u201d Natatawang kantiyaw ng aking Ate Lina.Ang lahat ay tumawa nang malakas. Kahit ako ay tumawa na rin habang hawak-hawak ko ang pisngi ng aking puwet na noon ay masakit.