Page 25 - CvSU 107th Commencement Exercises v17_Neat
P. 25
Panunumpa Bilang Kasapi ng
Cavite State University Alumni
Association, Inc.
Ako, si __________________________, bilang kasapi ng
Cavite State University Alumni Association, Inc.,
ay taimtim na nanunumpa na tutuparin ko nang buong
husay at katapatan, sa abot ng aking makakaya,
ang mga tungkulin bilang kasapi, na aking itataguyod ang
Saligang Batas ng Cavite State University Alumni
Association, Inc., na tunay na mananalig at
tatalima ako rito, at kusa kong babalikatin and
pananagutan bilang kasapi, upang maging
kapakipakinabang sa pagpapaunlad ng
CAVITE STATE UNIVERSITY at ng pamayanan.
Kasihan nawa ako ng Poong Maykapal.
20