Page 5 - Alamat ng Pag-ahon sa Pandemya
P. 5

PAKAY NG
          PANGKAT






                                                        Naaalala niyo pa ba ang kwento

                                                        ng  inyong  ina  o  ama  tungkol  sa

                                                        mga        taong         lupa        na       siyang
                                                        nagsisilbi          ding       babala         kapag

                                                        kayo        ay       di      sumusunod              sa

                                                        kanilang                   mga                utos?

                                                        Nakakatawa  lamang  isipin  na

                                                        sa  loob  ng  iilang  mga  taon  ay
                                                        mabilis  lang  silang  naglaho  sa

                                                        ating  mga  ala-ala,  ng  parang

                                                        hindi  naman  talaga  sila  naroon

                                                        nung una pa lamang.


             Ang  kultura  ay  ang  higit  na  pinaka-importanteng

             sangkap  na  bumubuo  sa  karakter  ng  lipunan.  Ito  ang
             nagbibigay kahulugan sa pang-araw-araw na kilos, gawa

             at  kagamitan  na  ating  nakikita,  ngunit  malaki  ang

             balakid  na  humarang  sa  paglago  nito.  Ang  balakid  sa

             pagpapayaman ng ating kultura ay buhay at ang patuloy

             na pagbabago nito, kaya nama’t sa pagdating ng panahon

             ng  pandemya  kung  saan  lahat  tayo  ay  hindi  na

             magkanda-ugaga  sa  pag-aangkop  sa  “New  normal,”

             hindi na surpresa ang mabilisang paglaho ng kinagisnang

             kultura  sa  ating  mga  isipan.  Sa  pamamagitan  ng  mga
             disenyo          sa       tila’y       utilitaryan             na       kagamitan              na

             nakasentro  sa  pagbabalik  ng  mahika  at  misteryo  ng

             kultura  ng  mga  taong  lupa  at  mga  diwata  noon,  nais

             namin ito maging daan sa pag-usbong ng mas magandang

             mundo,  sa  gitna  ng  laban  natin  sa  panibagong  araw-

             araw.






                                                            1
   1   2   3   4   5   6   7   8   9   10