Isang malaking pagdiriwang ang inihanda
para sa kaarawan ng prinsesa. Imbitado ang
lahat ng taga Narusnub. Umabot ng
maghapon at magdamag ang
pagdiriwang. Hindi dumating ang estranghero
sa oras na sinabi nitong darating. Maging
nang sumunod na ang araw ay hindi rin ito
napakita.