Page 9 - Ang Alamat ni Maria Makiling
P. 9
Kasama ang mga kaibigan ni Alex,
nasa Bundok Makiling na ang mga ito
bago magpakita si haring araw.
Namangha sila sa ganda ng luntiang
bundok! "Paraiso pala ito ng mga
hayop-gubat!" sabi ni Alex
pagkatapos nyang makita ang mga
hayop at marinig ang mga ibong
umaawit. Pero sabi naman ng isa ay,
"Simula ngayon hindi na dahil
magiging paraiso na ito ng mga
mangangasong tulad natin."