Page 10 - Slide 1
P. 10
“Gusto ko pong malaman kung
bakit hindi umalsa ang tinapay ko,
sinunod ko naman ang recipe.”
Q&A
May iba’t ibang dahilan kung bakit hindi
umaalsa ang tinapay ngunit kadalasan dahil ito
sa yeast na ginamit. Maaaring expired na ang
yeast o mali ang storage. Siguraduhing laging
bago ang yeast upang maging epektibo ito.
Maaari din namang namatay ang yeast dahil sa
sobrang init ng liquid (milk o water) na ginamit
dito. Ang tamang init sa pagpapaalsa ng yeast
ay 105-115°F o 40-45°C. Kapag sumobra dito
ang init, mamamatay na ang yeast at di-aalsa
ang tinapay.
Ano po ang pagkakaiba ng bread flour
at all purpose flour?
Ang bread flour ay isang uri ng harina na mataas ang protina. Kapag
hinalo sa mga leavening agent gaya ng yeast, baking powder at baking
soda, umaalsa ito nang mas malaki kaysa plain flour o all purpose flour,
nag bibigay din ito ng chewy texture sa tinapay pag na-bake. Ang all
purpose flour o plain flour ay uri ng harina na puwede sa lahat maging
breads, cupcakes, cakes, cookies, etc. Mas mababa ang protina nito kaya
naman puwede sa mga cakes o cupcakes.
1