Page 13 - SULAT-SINING-2 A4
P. 13
Ang Alamat ng Mirasol
Sa isang munting kubo, sa may bandang gilid ng isang palayan,
nakatira ang isang simple at masayang pamilya, ang pamilya Flowera.
SENRYU Sa munting bahay na ito, may isang bata na nagngangalang Mirasol na
ipinangalan sa kanya ng kanyang mga magulang dahil
napakamasayahin ng batang ito. Ang mga magulang niya ay masayang
masaya sa nag-iisa nilang anak dahil napakabait na bata ni Mirasol at
ito‟y napakamatulungin na anak kahit musmos pa lamang. Tahimik
Aking Ina lang na bata si Mirasol, marahil ay lagi itong nag-iisa sa bahay nila na
naglalaro dahil nga ay nag-iisa siyang anak. Mahilig sa mga kulay si
Biyaya ka sa akin. Mirasol pero ang pinakapaborito nito ay ang kulay dilaw at para sa
Mahal na mahal kita, kanyang mga magulang, isa sa kakaiba si Mirasol dahil ang mga mata
O aking ina. nito ay kulay kayumanggi na tila magandang pagmasdan lalo na kung
ito ay natatapat sa sinag ng araw. Magmula noong magdalaga si
Mirasol, tahimik pa rin ito ngunit masayahin pa rin sa kabila ng
pagiging mag-isa niyang anak. Simple lamang silang pamilya kung
kaya‟t masaya na ang kanilang pamilya sa kung anong mayroon sila.
Mahilig na kumanta si Mirasol na kanyang minana sa kanyang
Kaibigan Ko ama na musikero at isa ang pagkanta ang libangan nilang mag-ama.
Kinahiligan pa rin ni Mirasol ang kulay na dilaw, mapa-bistida o
O ikaw kaibigan, kamiseta man ito. Magmula noong pagkabata niya, nakahiligan na rin
Dapat pasalamatan, ni Mirasol na laging tignan ang araw na tila ba hindi masakit sa
Magpakailanman. kanyang mata kahit nasisinagan ito. Minsan, dahil pabago bago ang
panahon na nagdudulot ng pag-ulan, tila nalulungkot si Mirasol dahil
hindi niya nasisilayan ang araw. Lagi niya kasi itong sinusulyap
hanggang sa ito ay lumubog.
Masayang namamasyal sa kanilang kabukiran si Mirasol at
nang napagod ay nagpahinga sa may ilalim ng puno. Hindi nagtagal,
naidlip si Mirasol sa ilalim ng puno. Maya-maya ay may isang ahas
ang lumapit kay Mirasol, gumapang ito sa kanyang katawan at nang
magising si Mirasol, nagulat ito sa kanyang nakita. Tinangkang
10 11

