Page 26 - SULAT-SINING-2 A4
P. 26

Maikling kwento

                                                                                                                                                   Wow na feelings

                                                SENRYU
                                                                                                                        Hindi alam ni Yna kung naka-ilang buntong-hininga na

                                                                                                                 ba siya  magmula nang makarating siya sa lugar na pinagdara-
                                                                                                                 usan  ng kanilang  highschool  batch reunion. Isa  ang  batch  na
                                                                                                                 kinabibilangan  niya  sa  mga  naimbitahan  at  kasali  na
                                                  Pag-alis                                                       magkaroon ng muling pagsasama sa kanilang dating paaralan

                                               Tinakbo niya                                                      ngayong taon.
                                           Ang kapataganh iyon
                                             Ngunit wala lang.                                                          Kasalukuyan  siyang  nakatayo  at  nakatingala  lang  sa
                                                                                                                 kawalan.  Imbes  kasi  na  makipagsaya  sa  loob  kung  saan
                                                                                                                 mismong  nagaganap  ang  pagtitipon  ay  mas  pinili  niyang
                                                                                                                 tumambay sa isa sa mga pasilyo ng kanilang napakalawak na
                                                                                                                 dating paaralan at magpahangin sa labas.
                                                 Baliw
                                                                                                                        Iniisip  pa  rin  niya  kung  bakit  nga  ba  siya  nandoon?
                                            Tawa nang tawa                                                       Iniisip pa rin ni Yna kung ano nga ba talaga ang nagtulak sa
                                                   Walang nakakatawa                                             kanya para dumalo?
                                                   Ang naluluka.
                                                                                                                        Oo nga at imbitado siya. Pero alam niya na hindi naman
                                                                                                                 talaga siya mahilig sa mga ganito. Kahit kailan ay hindi naman
                                                                                                                 siya  mahilig  sa  mga  ganitong  klase  ng  pagtitipon.


                                                                                                                        Kahit  naman  noong  nag  aaral  pa  siya  dito  ay  mas
                                                                                                                 madalas  na pinipili  niya  lang  mag  isa. Hindi  naman  sa ayaw
                                                                                                                 niya ng kaibigan. May mga naging kaibigan naman siya noong

                                                                                                                 dito  pa  siya  nag  aaral.  Kahit  papano  ay  meron  naman  mga





                                                       23                                                                                  24
   21   22   23   24   25   26   27   28   29   30   31