Page 21 - Alamat ng Saging_ASUNCION
P. 21
Nagulat na lang siya nang sa muling
pagkurap ay wala na si Saguin at ang
kanyang mga magulang.
Ang tanging naiwan ay ang kamay ng
kanyang sinta.
Hindi mapigilan ni Pinong na umiyak
ng umiyak.. "Saguin, Saguin!" ang iyak
ni Pinong ay rinig na rinig sa buong
bayan ng Pandi.
Matapos kumalma ang damdamin Pi-
nong, ibinaon na niya ang kamay ni
Saguin.
Sa isang iglap, ito na lang ang naiwan
sa minamahal niya. Hindi na niya mu-
li makikita ang munting engkantada
na minahal niya ng tunay.