Page 6 - Alamat ng Saging_ASUNCION
P. 6
Pero hindi alam ni Pinong na ang
kuneho ay alaga ng isang magandang
engkantada. Ang pangalan niya ay
Saguin. Matagal nang nais ng engkan-
tada magpasalamat kay Pinong kaya
isang araw, ang engkantada ay
nagpakita sa binata.
"Nais kong magpasalamat sa paglilig-
tas mo sa aking alaga." ang wika ni
Saguin habang niyayakap ang
kanyang kuneho.
Agad na naging magkaibigan sina Pi-
nong at Saguin.
"Saan ka nga pala nakatira?" tanong ni
Pinong. "
Malapit lang dito," ang wika ni Saguin.
"Ihahatid na kita," ang alok ng binata.
"Naku,salamat na lang, mahigpit kasi
ang tatay ko." sagot ni Saguin.