Page 14 - C:\Users\Angeila\Desktop\FlipBook\
P. 14
Labis ang kalungkutan ni Kino
sa tuwing binabantayan ang
puntod ni Marga. Sa paglipas
ng ilang linggo, napansin niya
ang isang punong tumutubo
mismo sa puntod ng prinsesa.
Tila may prutas ring
namumunga rito na hugis puso.
Dahil dito ay naisip ni Kino ang
pinakamamahal na Marga sa
hugis pusong prutas na siyang
sumisimbolo ng tunay na pag-ibig
ng prinsesa. Marga ang tinawag
ni Kino sa puno, ngunit hindi
nagtagal at "Mangga" na ang
tawag dito - hanggang ngayon.

