Page 27 - C:\Users\Ros & Gwen\Documents\Flip PDF Professional\Bota ni Lota
P. 27
Tungkol sa may –Akda
Si Wena Masamoc Sta. Rosa ay isinilang
noong ika 23 ng Oktubre taong 1993 sa Mobo,
Masbate, at pangatlo sa labing isang anak nila
William at Beata Santa Rosa.
Siya ay nagtapos ng kursong batsilyer ng Sekondaryang
Edukasyon sa Osmeña Colleges noong taong 2017.
Taos-puso siyang nagpapasalamat sa lahat ng taong tu-
mulong sa kanya upang mabuo ang aklat na ito. Una kay
God, sa paggagabay sa kanya habang ginagawa ang kwen-
tong ito. Ikalawa ay kay G. Mark Gabion, sa pagpupursige
na magawa ang kwentong ito at sa pagbibigay ng pamagat,
ikatlo sa mga kasamahan niyang guro na sina Gng. Rosita
Saligao, Bb. Lykha Joy Tutana at kay Bb. Carmela Custodio
na tumulong para maisaayos itong kwento, at ikaapat kay
G. Kaisan Abao sa suporta na binibigay nito.
Sa ngayon siya ay buong pusong nagtuturo sa San
Ysiro Elementary School sa Antipolo City.
Tungkol sa Gumuhit ng Kuwento
Si Alvin G. Alejandro ay pinanganak noong Nobyembre
13, 1985 sa Morong, Rizal. Siya ang panganay na anak nila
Rolando at Elvira Alejandro. Nagtapos siya sa kolehiyo sa
University of Rizal System sa kursong Bachelor of Science in
Industrial Education, Major in Drafting. Sa ngayon, siya ay
boung pusong nagtuturo sa San Ysiro Elementary School sa
Antipolo City habang ipinagpapatuloy ang hilig sa
pagpipinta.
27