Page 16 - BSIT Revised Curriculum
P. 16
karaniwang ginagawa sa pagtuturo ng kasaysayan ng Pilipinas, iba’tibang
primaryang batis ang gagamitin—nakasulat (kuwalitatibo at kuwantitibo), pasalita,
biswal, audio-visual, dihital—sumasakop sa iba’t ibang aspekto ng búhay sa
Pilipinas (pampolitika, pang-ekonomiya, panlipunan, at pangkultura). Inaasahan sa
mga mag-aaral na masuri batay sa konteksto ang ilang piling babasahín at sa
pamamagitan ng nilalamán (nakalahad o pahiwatig). Sa pagtatapos, inaasahang
mauunawaan ng mga mag-aaral at mabibigyan ng pagpapahalaga ang ating
mayamang nakaraan sa pamamagitan ng pagtatamo ng mga kamalayang mula sa
mga táong mismong
ing bahagi o saksi sa panahong naganap ang mga pangyayari sa kasaysayan.
Isinasaalang-alang sa kontekstuwa lna pagsusuri ang sumusunod: (i) ang historical
na konteksto ng batis [kailan at saan ito sinulat at ang kalagayan noong panahong
iyon], (ii) ang karanasan ng may-akda, layunin (hanggang sa mauunawaan), at
pagiging dalubhasa sa paksa; at (iii) ang katuturan ng batis at ang halaga nito sa
kasalukuyan.
Ang pagsusuri sa nilalamán, sa kabilâng bandá, ay gumagamit ng mgaangkop na
pamamaraan, batay sa uri ng batis (pasulat, pasalita, biswal). Sa proseso ng pag-
aaral, hihilinginsamga mag-aaral, halimbawa, natukuyin ang primary ang argumento
ng may-akda o paksa, ihambing ang iba’t ibang pananaw, tukuyin kung may
pagkiling, at magsagawa ng ebalwasyon sa pahayag ng may-akda or batay sa mga
inilatag na mgaebidensiya o iba pang magagamit na
ebidensiyanoongpanahongtinukoy. Gagabayan ng kursoangmga mag-aaral sa
pamamagitan ng kanilang pagbabasá at pagsusuri sa mga teksto at kinakailangang
magsumitesila ng reaksiyong sanaysay na magkakaibá ang haba at magkaroon ng
presentasyon ng kanilang idea sa iba’t ibang paraan (maaaring sa pamamagitan ng
debate, presentasyong power point, liham sa editor ng batis, at iba pa.) Maaaring
iayos ng guro ang mga babasahín sa paraang kronolohiko o batay sa paksa, at
magsimulasa mas napapanahon (mas pamilyar) at sakâ na lámang balikán ang mga
mas naunang panahon o vice-versa. (CMO No. 20, series of 2013)
Sinusuri ng kurso ang kasaysayan ng Pilipinas mulasa iba’tibang
perspektiba sa pamamagitan ng piling primaryang batis
na nagmula sa iba’t ibang disiplina at iba’t ibang genre. Binibigyan ng oportunidad
ang mga mag-aaral na masuri ang karanasan ng may-akda at mg pangunahing
argumento, mapaghambin gang iba’t-ibang pananaw, matukoy kung may pagkiling,
at masuri ang mga ebidensiya ng inilatag sa dokumento. Tatalakayin sa mga
diskusyon ang mga tradisyonal na paksasakasaysayan at iba pang tema ng
interdisiplinaryo na magpapalalim at magpapalawak sa kanilang pag-unawa sa
kasaysayang pampolitika, pang-ekonomiya, pangkultura, panlipunan, pang-agham,
at panrelihiyon ng Pilipinas. Binibigyan ng priyoridad ang pangunahing materyales
na makatutulong sa mga mag-aaral na mapaunlad ang kanilang kasanayan
sapagsusuri at komunikasyon. Sa pagtatapos, inaasah ang mapaunlad ang
kamalayang pangkasaysayan at mapanuri ng mga mag-aaral upang sila ay maging
mahusay, madaling maintindihan, magkaroon ng malawak na pag-iisip, at maging
matapat at responsableng mamamayan. Kasama sa kursong ito ang mahahalagang
paksa sa Saligang-Batas ng Pilipinas, repormang panlupa, at sistema ng buwis.
Credit : 3 units,
Lecture : 3 hours/week
15 | P a g e