Page 9 - ANG ALAMAT NI MARIA MAKILING_ARIEL
P. 9
Bago pa man suminag ang araw ay nakarating
na si Alex at ang kanyang mga kasamahan sa
bundok. Napuno ng galak ang kanilang mga
mata sa ganda ng luntiang bundok. Nasaksihan
nila ang tila pagsayaw ng mga hayop sa
malamyos na tinig ng mga ibon. “Ang lugar na
ito ay tila paraiso! Maganda ang gubat at
masagana sa hayop.” sambit ni Alex. “Mula sa
araw na ito, ang paraiso na ito, ay magiging
lungga na natin mga mangangaso!”

