Page 5 - Live AIDS G na G sa 33
P. 5

    Ivy PAGDANGANAN Batch 99.1, Production Manager
“Mula nang nagbalik sa organisayon, makalipas ang ilang taon ng pangungulila sa itinuturing ko nang pamilya, masasabi ko na ‘di na ako muling wawalay pa.
Marami man akong narating, dugong SAMASKOM pa rin ang patuloy na dumadaloy sa ugat ko. Ngayon, nabigyan ng pagkakataon na maging Tagapamahala ng Produksyon–ang isa sa mga dating pinangarap lang ay naabot na sa wakas. Hindi madali dahil isa na ito sa pinakamaikling preparasyon para sa pagbuo ng isang pagtatanghal. Ngunit hindi ako nagdalawang-isip na ipagpatuloy ito sapagkat alam kong sama-samang magbubuklod ulit ang bawat miyembro ng organisayon upang isakatuparan ito.
Salamat sa’yo, Direk Deo, sa pagtitiwala. Salamat din nang marami sa mentor ko, Marga, sa pagtitiyaga at pagtulong na mabuo ito. Maraming salamat sa lahat ng nagtiwala at tumulong. ‘Di ko man mapangalanan lahat, mahal ko kayo at alam n’yo ‘yan.
Ipagpatuloy natin ang tradisyon! Go, Live A.I.D.S. 33! GO, SAMASKOM!”
Marga Mendoza-Catalan Batch 97.1, Mentor
Clark CAPILIT
Batch 2K1.1, Head Writer
Kalokohan ang lahat ng ito. Kalokohan na puyat at pagod ka lagi tapos nagagastusan ka pa. Kalokohan na naiiwan mo ang ibang responsibilidad mo magampanan lang ang isa. Kalokohan na pinahirapan mo na ang sarili mo dati, pinapahirapan mo pa rin ngayon, tapos baka pumayag kang umulit pa—eh ang hirap-hirap nga nito. Wala namang namimilit sa ‘yo. Hindi mo naman talaga “kailangan”. Irrational talaga. Parang pag-ibig. Mahal ko ang kalokohang ito. Sana po ay mahalin din ninyo.
GO SAMASKOM!
   3
G na G sa 33























































































   3   4   5   6   7