Page 23 - ALAMAT NG SAGING
P. 23
“Saguin, Saguin.” Umiiyak na sambit nito dahil kamay na
lamang ni Saguin ang naiwan sa kanya.
Ibinaon ng binata ang kamay ng dalaga at pagkaaran ng
ilang araw ay may tumubong halaman dito at nang
magbunga ay kasinghugis ng kamay ni Saguin. Matamis
at malinamnam kung ilarawan ni Pinong ang bunga at
ganito rin magmahal ang dalaga--- matamis sa
pakiramdam at malinamnam sa puso.
Tinawag niyang Saguin ang prutas at sa paglipas ng
panahon ay tinawag itong saging.

