Matagumpay niyang nakuha ang Boon nang walang nakakakita sa kanya. “Sa wakas, napasakamay ko na ang kayamanang ito, hahahahahaha!," pagbubunyi ni Melawe. “Ito ang magiging daan upang kilalanin akong dakila ng aking mga katribu,” ani pa niya.