Page 15 - Ang Mahiwagang Boon ni Bulaw
P. 15
Nadatnan nila si Melawe na nakaluhod habang
tinatakpan ang kaniyang mga mata.
“Bakit ka nangahas na nakawin ang mahiwagang Boon
ng ating tribu, Melawe? Hindi ba’t mahigpit na
ipinagbabawal na hawakan o buksan man lang ito?
Nilagay mo sa kapahamakan ang buong tribu!,” sumbat
ni Bulaw.
Tuluyang nabulag si Melawe sa pangyayaring iyon.