Page 18 - Ang Mahiwagang Boon ni Bulaw
P. 18
Samantala, si Bulaw ay naging abala sa pagbibigay ng
paunang lunas sa mga nasaktan niyang kasamahan.
“Aray!,” reklamo ng isang Kagulwa habang hinahagod ang
isang binti nito. “Naku! Huwag mo munang igalaw ang
iyong mga binti at baka may bali ito,” pag-aalalang tugon
ni Bulaw. Nilagyan niya ng patigas na patpat ang binti ng
biktima bago ito binendahan ng kapirasong tela na
pinunit niya mula sa kanyang suot na damit.