Page 23 - Ang Mahiwagang Boon ni Bulaw
P. 23
Habang pabalik sa burol, nakita niya ang bulag na si Melawe
na umiiyak at mahigpit ang kapit sa isang puno. “Tulungan
ninyo ako, may tao pa ba diyan?," pagmamakaawa niya.
Tinulungan siya ni Bulaw.
“Halika Melawe! Ako 'to, si Bulaw. Kumapit ka at tayo’y
aakyat sa burol.”
“Maraming salamat, Bulaw,” nanginginig na boses ni Melawe.