Page 25 - Ang Mahiwagang Boon ni Bulaw
P. 25
Humagulgol si Melawe sa mga narinig niya. Tumakbo siya
papalayo hanggang sa bumagsak ang katawan niya sa
damuhan. Nilapitan siya ni Bulaw at niyakap. “Hindi ako
nararapat sa iyong kabaitan, Bulaw,” sabi ni Melawe.
“Hindi ka namin puwedeng pabayaan, Melawe. Isa kang
Kagulwa at responsibilidad nating tulungan ang isa’t isa,”
sagot ni Bulaw.