Page 29 - Ang Mahiwagang Boon ni Bulaw
P. 29

Nabahala si Bulaw sa maaaring kahihinatnan ng kanilang
                       tribu. Wala na siyang ibang maisip na paraan.
                       “Kailangan kong makagawa ng paraan para sa kanila,”
                       bulong niya habang hinihimas ang kanyang Boon. Naalala
                       niya ang bilin ng kanyang Ama noong ipinamana sa kanya
                       ang mahiwagang Boon.
                       “Baka ito na ang takdang panahon para buksan ang Boon
                       na ito,” wika niya sa harap ng mga Kagulwa.
                       “Anoman ang mangyari sa akin, alalahanin ninyo na
                       ginawa ko ito dahil sa pagmamahal ko sa ating tribu,”
                       maluha-luhang sambit ni Bulaw.
   24   25   26   27   28   29   30   31   32   33   34