Page 6 - ANG BUHAY NI PEKINA
P. 6
Nang mag-aalas tres na ng hapon ay naisip ni Inang
Pato na tingnan muna ang kaniyang mga itlog sa pugad.
Sinilip silip niya ito at masayang sabi niya kay Amang Pato,
“Nandito parin ang mga itlog ko at natatabunan ng aking
mga balahibo. Tara na, magpunta na tayo sa may bandang
likuran ng kubo at baka may suso pa doon. Kailangan ko
iyon upang lalong tumigas ang balat ng aking mga itlog.”
Doon ay nagtatampisaw sila at masayang nakikituka sa
mga talutot ng kangkong, bagong sibol na asula at mga
munting kuhol. Makalipas ang dalawang oras ay may
narinig silang boses. “Patopato! Pato! Pato! To-to-to-to-to-
to, saan na kaya ang mga iyon?”
4