Page 7 - ANG BUHAY NI PEKINA
P. 7
Si Lolo Beloy pala ay naghahanap sa kanila kasi oras
na ng hapunan at hindi pa sila nakauwi. Kumaripas na sila
ng paglipad nang mababa upang mapadali ang pagdating
sa kinaroroonan ni Lolo Beloy.
Pagkatapos nilang tumuka para sa kanilang hapunan
ay uminom naman sila ng tubig sa gilid ng palaisdaan at
ang iba naman ay nagpapahinga sa lilim ng mga puno ng
guyabano. Hanggang sa magdilim at natulog na sila ng
mahimbing. Kinaumagahan, bago sumikat ang araw, ay
pinakain naman sila ni Lolo Beloy. Nagtataka si Amang
Pato kung nasaan na si Inang Pato. Iyon pala ay
nangingitlog pa siya. Kaya pagkatapos niyang mangitlog ay
dali-dali siyang lumabas sa kaniyang pugad upang
makatuka naman ng kanilang almusal.
5