Page 19 - Lingcallo Alamat ng Saging
P. 19
Ngunit habang magkayakap ang binata’t dalaga, sa hindi inaasahang pagkakat-
aon, biglang dumating ang Ina ng prinsesa na may kasamang matandang lalaki.
Tinanggal nila sa pagkakayakap ang dalawa at kanilang kinuha ang kamay ng
magandang prinsesa upang dalhin pabalik sa kaharian ngunit hindi binitawan ni
Aging ang kamay ng prinsesa at mahigpit nitong hinawakan ang dalaga dahil hindi
na siya papayag pang mawala sa piling niya ang prinsesa.
“Aking sinta, hayaan mo na! Baka ika’ymasaktan pa!” sigaw ng prinsesa.
“Hindi! Hindi kita bibitawan! Handa akong masaktan Kung ang kapalit nito’y
makasama ka.” Sambit naman ng binata