Page 20 - Lingcallo Alamat ng Saging
P. 20
Subalit ang matandang lalaki ay may mahikang ginawa sa binata na
nagdulot na masaktan ito at pagkatapos, sila’y biglang naglaho. Ngunit,
sa lahat ng pangyayari, hawak-hawak pa rin ni Aging ang kamay ng
prinsesa. Sa sobrang higpit nang pagkakahawak dito, naiwan sa kaniya
ang mga kamay nito.
Dahil sa kagustuhan ni Aging na manatili ang alaala ng prinsesa, kani-
yang inilibing ang mga kamay sa kanilang bakuran. Araw-araw niyang
binabalikan ang mga ito hanggang sa ito’y naging puno na may malapad
na dahon at walang sangay.