Page 26 - MACARAEG_ALAMAT NG SAGING
P. 26
Hinawakan ni Pinong ang kamay ng dalaga. “Hindi ako
papayag, Saguin, mahal kita,” tugon ni Pinong.
“Hindi mo naiiintindihan. Magkaiba ang mundo natin. Tao ka at
engkanto ako. Hindi maaari,” mahabang paliwanag ng dalagang
engkanto. “Hindi mahalaga ang kaibahan ng pinagmulan natin,
Saguin. Mahal kita, mahal mo rin ako, hindi ba?”

