Sa isang kurap, nawala ng parang bula ang dalaga at mga
magulang nito. Ang tanging naiwan kasama niya ay ang
kamay ni Saguin. “Saguin! Saguin!” tanging iyon na lamang
ang nasambit ni Pinong kasama ang iyak niyang
umalingawngaw sa buong bayan ng Pandi.