Page 14 - Pagkakakilanlan
P. 14
Madalas nating naririnig ang mga katagang "Bahala Na"
Akala ng ibang tao, tayo ay kampante at walang pakialam sa
kung ano ang mga susunod na mangyayari.
Pero mali sila.
Dahil para sa atin, ito ay isang paraan upang ipaalam sa madla
Na tayo ay may lakas ng loob
At determinasyon na harapin ang bawat araw
Na may tiwala tayo sa sarili at sa Panginoon
Tayo ay gagabayan sa bawat gagawing desisyon.