Page 60 - SULAT-SINING-2 A4
P. 60
Usad Pagong Ang Aking Tala
Marami ng pagsubok ang nalampasan Sa tuwing mga mata natin ay magtatama
Marami na ring tao ang napadaan Hindi ko maintindihan aking nadarama
Ngunit naghihintay pa rin sa kawalan Kaligayahan sa aking puso di mabura
Pilit tinatanong kung ika'y nasaan Sa tuwing ika'y nakakasama sa tuwina
Patuloy ang puso ko sa paghahanap Kasabay ng iyong mga halakhak na tawa
Kahit ito ay masakit at mahirap Pintig ng puso'y bumibilis dahil sa tuwa
Ako ay hindi titigil na mangarap Tila isang alitaptap pag nasisilayan
Kahit ito'y malabo sa hinaharap Sa malapitan man o kahit sa malayuan
Alam ko na ang hagkan ka ay malabo Kapag kasama ka ay tila ba nasa ulap
Marahil sa panaginip ay kaya ko Aking sinta, ikaw ang tanging pinapangarap
Ako pa rin ba ay parte ng mundo mo? Parang isang bituin na laging kumikislap
O, gigising na sa ilusyon kong ito? San man magpunta lagi kong hinahanap-hanap
Sarili'y pinipilit maging masaya Oo, tama ikaw ang nag-iisang dahilan
Hinihiling na sana'y kasama ka pa Kung bakit puso ay puno ng kaligayahan
Siguro nga ay wala kana talaga Ang bituin na aking pinakaiingatan
Puso't isipan, ayaw lang maniwala Sana'y di mawala at manatili kailanman
56 57