Page 61 - SULAT-SINING-2 A4
P. 61

Usad Pagong                                 Ang Aking Tala


 Marami ng pagsubok ang nalampasan             Sa tuwing mga mata natin ay magtatama
 Marami na ring tao ang napadaan              Hindi ko maintindihan aking nadarama
 Ngunit naghihintay pa rin sa kawalan              Kaligayahan sa aking puso di mabura
 Pilit tinatanong kung ika'y nasaan             Sa tuwing ika'y nakakasama sa tuwina


 Patuloy ang puso ko sa paghahanap             Kasabay ng iyong mga halakhak na tawa
 Kahit ito ay masakit at mahirap              Pintig ng puso'y bumibilis dahil sa tuwa
 Ako ay hindi titigil na mangarap   Tila isang alitaptap pag nasisilayan
 Kahit ito'y malabo sa hinaharap             Sa malapitan man o kahit sa malayuan


 Alam ko na ang hagkan ka ay malabo             Kapag kasama ka ay tila ba nasa ulap
 Marahil sa panaginip ay kaya ko             Aking sinta, ikaw ang tanging pinapangarap
 Ako pa rin ba ay parte ng mundo mo?             Parang isang bituin na laging kumikislap
 O, gigising na sa ilusyon kong ito?             San man magpunta lagi kong hinahanap-hanap


 Sarili'y pinipilit maging masaya   Oo, tama ikaw ang nag-iisang dahilan
 Hinihiling na sana'y kasama ka pa             Kung bakit puso ay puno ng kaligayahan
 Siguro nga ay wala kana talaga             Ang bituin na aking pinakaiingatan
 Puso't isipan, ayaw lang maniwala             Sana'y di mawala at manatili kailanman





                 56                                                                  57
   56   57   58   59   60   61   62   63   64   65   66