Page 12 - Mga Tula 32-MFL-01_Neat
P. 12
PAGNINILAY
Ang aking saloobin sa pagsusulat ng aking tula na pinamagatan
kong "ISANG BAYANI" at ang "DAKILANG AMA" ito ay sinulat ko
dahil ito ay tungkol sa aking mga magulang na ginagawa ang
lahat para amin. Habang sinusulat ko ang mga tulang ay
nagagalak sapagkat iniisip ko na napakaswerte naming anak ng
aking kapatid dahil ang aming mga magulang ay ginagawa ang
lahat upang matustusan lamang ang pangangailan namin sa
aming pag-aaral. Ngunit may pagkahalo ding lungkot ang aking
nararanasan habang sinusulat ko ang aking mga tula dahil
masakit din para sa akin na kailangan pang lumayo ang aking
ina para lang matustusan ang aming mga pangangailan ganun
din ang aking ama na nagpapakahirap upang kami ay may
pangkain. Ngunit ako pa rin ay nagpapasalamat sa poong may
kapal dahil hindi niya pinapabayaan ang aking mga magulang
sa kanilang mga trabaho.