Page 9 - Mga Tula 32-MFL-01_Neat
P. 9
PAGNINILAY
Ang aking napagnilayan nang ako ay lumilikha ng tula ay
napagtanto ko na mahirap bumuo ng isang tula lalo na’t kung wala
ka sa magandang pag-iisip, hindi mo nararamdaman ang iyong mga
sinusulat na para bang walang buhay. Ngunit napagtanto ko rin na
ang paggawa ng isang tula ay kinakailangan na maging
mapagmasid ka. Kailangan mo rin tumingin sa iyong paligid, sa mga
bagay na nangyayari sa ibang tao maging ang sariling karanasan
mo. Sa pamamagitan ng tula malaya kang ihayag ang iyong sariling
karanasan maging ang iyong nararamdaman, nakatutulong ito
upang mabawasan ang iyong iniisip , nararamdaman, ngunit pag
sinabing tula hindi lahat tungkol sa malungkot pwede mo rin ihayag
ang iyong saya.