"S-sino ka?" sa wakas ay naitanong ni Alex sa magandang diyosa. Hindi siya sinagot nito. Sa halip ay tinalikuran lamang niya si Alex. "Hintay!" tawag ni Alex at hinabol niya ito. Pero huli na si Alex dahil naglaho na ang diyosa.