Nanibago at nagtaka ang mga kaibigan ni Alex sa kanyang
mga ikinikilos. Iba-iba ang naging suspetsa nila. "Baka
pinaglaruan ng mga dwende?" bulong ng isa. "Hindi kaya
natiyanak?" sabat ng isa pa. Samantala ay buo na ang pasya
ni Alex. Babalik siyang mag-isa sa Bundok Makiling.