Page 13 - ANG BUHAY NI PEKINA
P. 13
Hinintay ni Inang Pato ang mahabang araw at
paminsan minsan ay dagli siyang lumalabas habang
tinatabunan niya ng kaniyang mga puting balahibo ang
mga itlog upang makapagsaglit sa labas, makapagtuka
at makapag inom ng tubig. Pagkatapos ay babalik
naman siya at uupo sa kaniyang mga itlog. Pagkalipas
ng dalawamputwalong araw ay may tumutuktok sa mga
itlog. Kinabahan si Inang Pato kasi kulang pa ng pitong
araw o isang lingo bago mapisa ang kaniyang mga
itlog.
Pagkalipas ng dalawang oras ay may lumabas na
sisiw at parang kulay ginto ang mga balahibo lalong lalo
na ang kaniyang mga tuka at paa. Napatulala si Inang
Pato at napagtanto niya na ang unang napisa ay hindi
sa kaniya bagkus ito ay itlog ng mga pekin sa kabilang
kubo. Ito ay mga alaga din ni Lolo Beloy kaso lang
parang naiiba sila. Kasi sila ay kulay puti na parang
gatas at ginto naman ang mga tuka at paa. Kung
tingnan sila sa malalayo ay pawang mga matitikas at
magaganda na mga pato.
11