Page 16 - ANG BUHAY NI PEKINA
P. 16

Gulong gulo si Inang Pato at isinapuso niya na siya

        talaga ang ina ng sisiw na ito. Siya ang naghirap sa pag

        limlim hanggang sa mapisa ito kaya aakuin niya talaga na

        sisiw niya ito. Hindi siya lumabas sa pugad dahil sa takot

        na baka makita ng ibang pato at tukain ang sisiw.


               `Kinaumagahan ay nagtataka si Lolo Beloy kung bakit

        hindi lumalabas si Inang Pato kaya minabuti niyang

        puntahan ito sa kaniyang pugad at habang papalapit siya

        ay naririnig niya ang huni ng sisiw.


               “Tsek tsek tsek tsek”.


               Dali daling tiningnan ni Lolo Beloy at kinuha ang sisiw.

        Galit na galit si Inang Pato ngunit wala siyang magagawa.

        Nagsasalita si Lolo Beloy at nagpapasalamat sa kaniya at

        napisa na daw ang kaniyang hinihintay na sisiw.














































                                                          14
   11   12   13   14   15   16   17   18   19   20   21