Page 21 - ANG BUHAY NI PEKINA
P. 21
Habang nagkukwentuhan naman ang mga sisiw ay
dumating si Lolo Beloy na buhat buhat niya si Inang Pato.
“Mga anak nandito ako at huwag na kayong matakot”,
ang pampahupang sabi ni Inang pato sa kaniyang mga
sisiw. Inilagay siya ni Lolo Beloy sa kaniyang mga sisiw
kaya ganon na lang ang kasiyahan ni Inang Pato na
makapiling ang kaniyang mga sisiw.
Laking gulat ni Inang Pato ng makita ang kaniyang
panganay na sisiw na si Pekina. Mga anak siya si ate
pekina niyo na nawalay sa atin ng isang Linggo kasi mas
nauna siyang napisa kaysa sa inyo.
“Ina, bakit naiiba ang kulay ko sa kanila?”, ang tanong
ni Pekina.
“Espesyal ka kasi anak kaya naiiba ang kulay mo.”
Tahimik na lang na nakikinig sa ingay ng mga kapatid si
Pekina.
19