Page 17 - ANG BUHAY NI PEKINA
P. 17
Hinayaan na lang ni Inang Pato ang ginawa ni Lolo
Beloy. Kaya matiyaga niya pa ring nilimliman ang mga itlog
niya na naiwan at aabot pa ito ng labindalawa. “Kailangang
mapisa silang lahat kasi ito na talaga ang aking mga
sisiw.”, ang bulong ni Inang Pato sa sarili.
Walang kamalaymalay si Inang Pato na ang unang
sisiw ay ikinulong ni Lolo Beloy at binigyan ng masarap na
pagkain at tubig upang mabuhay. Sigaw ng sigaw naman
ang sisiw na “Ina, ina, ina, a –a-a-a saan na kayo?”
Pagkalipas ng anim na araw ay maliksi na ang sisiw at
pauntiunti na lang ang kaniyang pagsigaw at paghahanap
sa kaniyang ina.
15