Page 19 - ANG BUHAY NI PEKINA
P. 19

Nang ikawalong araw ng pagkakakulong ay may

            naririnig ang sisiw na malakas na sigaw ng isang pato. Kwa

            –a-ak, kwa-a-ak, kwak saan mo dadalhin ang mga sisiw ko.

            Nakita ni Pekina ang kaniyang ina at sumigaw ito, “Tsek,

            tsek, tsek, tsek, inay nandito ako nakakulong sa itaas.”


                   Nang biglang bumukas ang pinto ng kulungan at

            inilagay ang mga maliit na sisiw na iba iba ang kulay sa

            kaniya. May kulay ginto na kagaya sa kanya ngunit maiitim

            ang kanilang tuka at mga paa.


                   Nilapitan niya ito at tinanong, “Anong nangyari sa inyo

            at saan kayo nanggaling?”, magiliw na tanong ni Pekina.


                   “Kinuha kami ng matandang lalaki sa aming pugad.”












































                                                          17
   14   15   16   17   18   19   20   21   22   23   24