Page 32 - MATANG MAPAGMASID
P. 32
Ang dating mga mangingisdang nagdidinamita ngayon lubos
ay nagbago na. Pangangalaga ng karagatan na ang inaatupag nila
at nanghuhuli ng mga isda sa tradisyonal na pamamaraan gamit
ang lambat.
Walang paglagyan ang galak na nararamdaman ni Adi Agila.
Ang panahon at pangyayari ay umaayon sa kanya. Wala na siyang
mahihiling pa mamumuhay sila nang mapayapa, habang nilalasap
nila ang kasaganahang gustong matamasa. Patuloy pa rin ang
pagdarasal ni Adi Agila na sana ang magandang pangyayari ay wala
ng hanggan. Bawat nilalang ay ginagawa ang kanilang pananagutan
sa kapaligiran, protektahan ito at pangalagaan.
“Salamat Bathala! Tunay ngang makapangyarihan ka. Lahat
ng mabuting nangyayari ay dahil sa inyo, mabuhay ka Panginoon
ko!” punong-puno ng pasasalamat na sambit ni Adi Agila.