Page 30 - MATANG MAPAGMASID
P. 30

Naglibot din sila sa malawak na karagatan at naging masaya sa

             mga  namataan.  Ang  mga  batang  dating  nagkakalat  ng  basura  sa
             dagat, ngayon natanaw nilang doon ay naglilinis na. Sinasaway nila
             ang  mga  taong  dati’y  tulad  nila  na  hindi  marunong  magtapon  ng
             basura.


                    “Ang  basura  po  ninyo  ay  pakitapon  nang  maayos,  huwag
             hayaang  sa  dalampasigan  makaabot,  linisin  ang  kalat  natin  upang

             ang yamang dagat ay hindi malason,” ang paulit-ulit na paalala ng
             bata.


                    Naroon din ang mga kabataan na dati kumukuha ng mga korales
             ngayon ay aktibong miyembro na ng bantay dagat. Naglalayag sila sa

             maganda  at  malawak  na  karagatan  ng  Alanyagan  upang  masiguro
             na ang mga kukuha ng magagandang mga korales ay mapigilan.
   25   26   27   28   29   30   31   32   33   34   35