Page 28 - MATANG MAPAGMASID
P. 28

“Balikan  natin  ulit  ang  kagubatan,  magsipaghanda kayo  baka
          tayo ay mapapalaban,” saad ni Adi Agila sa mga kasapi.


                  Habang  sila  ay  nasa  alapaap  nakita  nila  ang  kumpol  ng  mga

           taong  nagtatanim  ng  mga  puno.  Tulong-tulong  sila  sa  paglilinis  ng
           kapaligiran  at  mayroong  nagdidilig  ng  mga  halaman.  Wala  nang
           nagtotroso  at  nagkakaingin  bagkus  marami  na  ang  nagtatanim  ng

           puno upang palitan ang mga putol na punong kahoy sa gubat.


                  “Sana tuloy-tuloy na ang mabuti nilang gawain malaking bagay
           ito  upang  maprotektahan  ang  tahanan  natin.  Palagi  kong
           panalanging  sana  bawat  isa  ay  maging  responsable  sa  ating
           mundong  ginagalawan  at  hinding-hindi  gagawa  ng  mga  bagay  na
           ikasisira ng iba pang mga nilalang,” ang mahinahong sambit ni Adi

           Agila.


                  “Halikayo!  Doon  marami  akong  nakitang  mga  buto  kukunin
           natin iyon at ihulog sa kagubatan balang araw magiging matatayog
           na  itong  mga  puno,  proteksyon  natin  laban  sa  baha  na  maaring

           bumawi sa buhay ng maraming nilalang ni Bathala,” ang sabi ni Adi
           Agila sa kanyang mga kasapi.
   23   24   25   26   27   28   29   30   31   32   33