Page 26 - MATANG MAPAGMASID
P. 26

Lumapit  sila  sa  kinaroroonan  ng  mga  kabataan. Nagulat  ang
             mga ito nang biglang dagitin ng mga agila ang mga korales na dala-
             dala nila at inihulog sa malalim na bahagi ng dagat. Tumungo sila

             sa  mga  kabataan,  sa  pagkakataong  ito  ang  dating  plano  ay
             isinagawa.  Winasiwas  ang  makapangyarihang  mga  pakpak  nang
             napakalakas  at  gumawa  ng  ingay  na  nagpahiwatig ng pagtutol sa
             ginawa ng mga bata. Tumigil ang mga kabataan sa pagkuha ng mga
             korales  at  nagsipaglangoy  patungo  sa  dalampasigan  upang

             makalayo sa mga matatapang na agila.


                     “Ang  tatapang  ng  mga  agilang  iyon.  Naku!  Hinding-hindi  na
             ako  kukuha  ng  mga  korales  baka  ako  ay  balikan  ng  mga
             nakabantay na mga agilang iyon,” sambit ng isang bata.


                     “Hay salamat napigilan din natin sila. Palagay ko ay hindi  na

             nila uulitin ang pagkuha ng mga korales,“ ang sabi ni Ayo Agila.
   21   22   23   24   25   26   27   28   29   30   31