Page 24 - MATANG MAPAGMASID
P. 24

May  mga  kabataan  na  naliligo  sa  malalim  na  bahagi  ng
                dagat sumisisid sila at sa pag-ahon may mga korales nang dala-
                dala.  Ngiting-ngiti  ang  mga  ito,  walang  kamalay-malay  na  mali

                ang ginagawa at sinisira na ang tahanan ng mga isda sa ibabang
                dako ng dagat. Marami na ang nakuha nila kaya si Adi Agila at
                iba pang mga kasapi ay nabahala.


                       “Hay naku! Ang mga kabataan na iyon ay dapat mapigilan
                lahat  ng  mga  korales  na  kanilang  nakuha  ay dapat  ibalik  sa

                dagat dahil sinisira nila ang tirahan ng mga isda,” naiinis na sabi
                ni Adi Agila.


                       “Tara  na!  Pagtulungan  nating  ibalik  ang  mga  korales  sa
                dating lugar nito,” ang saad ni Ayo Agila.
   19   20   21   22   23   24   25   26   27   28   29