Page 20 - MATANG MAPAGMASID
P. 20

Isang tanghali habang nasa himpapawid sina Adi Agila at mga
            kasapi  patungong  dulong  bahagi  ng  karagatan  ginulat  sila  ng
            malakas na pagsabog. Nakabibingi ang pagsabog na iyon at sila ay
            nabahala.


                   “Ano ang ingay na iyon?” tanong ni Adi Agila. Dali- dali nilang

            tinahak ang pinanggalingan ng  malakas na  pagsabog at gayon  na
            lamang        ang      kanilang        pagkabahala.          Lumantad          ang      mga
            mangingisda na nagpasabog ng dinamita.


                   “Ayon! Ayon ang mga mangingisda na gumamit ng dinamita sa

            pangunguha  ng mga isda.  Oras  na para  isagawa ang  ating  plano.
            Sila ay ating pigilan upang karagatan ay maprotektahan!” ang sigaw
            ni Adi Agila.


                   Pinalibutan  ng  malalaking  mga  agila  ang  bangka,  sa laki  at
            liksi  nila  ay  dali-dali  nilang  dinagit  ang  mga  dinamitang hindi  pa
            nasindihan  at  hinulog  ito  sa  tubig  dagat.  Nanggigigil  na  umatake

            ang  lahat.  Galit  sa  mga  taong  nasa  bangka  na  gumawa  ng  hindi
            katanggap-tanggap sa mga nilalang sa dagat.


                   “Sugod!  Huwag  tayong  tumigil  hangga’t  hindi  sila  huminto,”
            ang matapang na sigaw ni Adi Agila.


                   May  mangingisdang  nahulog  sa  tubig.  Sa  tindi  ng  takot  na

            naramdaman agad silang nagmadali sa pagpapaandar ng kanilang
            bangka at pumalayo sa mga nanggigigil na mga agila.
   15   16   17   18   19   20   21   22   23   24   25