Page 16 - MATANG MAPAGMASID
P. 16

Naging usap-usapan nga ng mga tao sa bayan ng Alanyagan na

             may  multo  sa  kagubatan  kaya  ang  pagtotroso  at  pagkakaingin  ay
             nahinto na siyang labis na ikinasaya ng mga kasapi nina Adi Agila at
             Ayo Agila.


                    “Pinahihiwatig  lamang  ng  kalikasan  na  hindi  maganda  ang

             kanilang ginagawa. Nagsusumamo na ang ating inang kalikasan na
             sila  ay  ating  pangalagaan,  ingatan  at  huwag  sirain  nang  walang
             pakundangan.  Kapag  ipinagpatuloy  nila  ang  kanilang  gawain  ang
             maganda at masagana nating kagubatan ay hindi na masisilayan ng

             mga susunod pang henerasyon. Maraming nilalang ang mawawalan
             ng  pagkain  at  masisilungan kasama  na  tayong  mga  tao  diyan,”
             malinaw  na  pagpapaliwanag  ni  Kapitan  Ding  sa  kanyang  mga
             kababaryo na nagtitipon sa kanyang harapan.
   11   12   13   14   15   16   17   18   19   20   21