Page 14 - MATANG MAPAGMASID
P. 14
“Ayon! Ayon ang mga magkakaingin gawin na natin ang ating
plano. Pagkakaingin ay ating pigilan upang tirahan natin
maprotektahan!” ang matapang na wika ni Adi Agila.
Nagmatyag muna sila sa bawat kilos ng mga magkakaingin
habang iniisip na kailangan nang isagawa ang kanilang plano
sapagkat nagsimula na sa pagkakaingin ang mga ito. Tiniyak nilang
sila’y nakakubli sa mga puno at sabay-sabay na winasiwas nang
buong lakas ang kanilang malalaking mga pakpak na gumawa ng
maingay na tunog na nagpahiwatig ng kanilang pagtutol at galit. Sa
ingay at kaluskos ng mga dahon ay nagkatinginan ang mga
magkakaingin. Patuloy sina Adi Agila at kanyang mga kasapi sa
kanilang ginagawa.
“Sige ibigay na natin ang ating buong lakas. Gawin natin ang
matinding pagwasiwas, hampas nang malakas! Sabay- sabay nating
pigilan ang mga agresibong magkakaingin. Itaboy natin sila upang
tirahan sa kagubatan ay masalba,” ang malakas na sabi ni Ayo
Agila.
Sila ay nagtagumpay sa kanilang ginawa at ang mga
magkakaingin ay kumaripas ng takbo isa-isa. Lahat ay natakot sa
ginawa nina Adi Agila at naglaho na parang bula.
“Yehey! Tayo ay nagtagumpay maraming salamat sa Poong
Maykapal!” ang sigaw ni Adi Agila na punong-puno ng ligaya.