Page 18 - MATANG MAPAGMASID
P. 18

“Ayon!  Ayon  ang  mga  pumutol  ng  mga  punong  bakawan.
           Gawin  na  natin  ang  ating  plano.  Pagputol  ng  punong bakawan ay
           ating  pigilan  upang  tirahan  ng  mga                          yamang  dagat  ay
           maprotektahan!” ang matapang na wika ni Adi Agila.


                  Winasiwas nila nang buong lakas ang makapangyarihang mga
           pakpak  habang  gumagawa  ng  malakas  na  ingay.  Ang  ingay  na

           kanilang ginawa ay nagpahayag ng pagtutol sa ginawang pagputol
           ng mga punong bakawan. Walang takot nilang pinalibutan ang mga
           namutol sa bakawan. Sa bulas nilang pagkalalaki at mabangis na

           awra  bumigay  ang  mga  salarin  hanggang  ang  mga  ito  ay
           nagmamadaling umalis din.


                  “Naprotektahan natin ang bakawan! Salamat sa talino at lakas
           na biyaya ni Bathala sa atin,” buong pasasalamat na sambit ni Adi
           Agila.
   13   14   15   16   17   18   19   20   21   22   23